Saturday, October 22, 2011

Ang Makatang Mangingibig by John Iremil Teodoro

Nagiging akin ka
Lamang
Sa mga sandaling
Nagsusulat ako ng tula
Para sa ‘yo.

Nagmumukhang tama
Lamang
Itong paghigugma ko
Sa Teksto
At konteksto
Ng mga talinhaga.

Napapatula sa ritmo
Ng aking mga linya
Ang mga abyan
Kong makata|
Na katulad kong
Mga bigo ring
Mangingibig
Pero patuloy
Na naniniwala
Sa kapangyarihan
Ng mga salita.

Makakapasa kaya
Sa kritika ng buhay
Itong aking
Mga binalaybay?

Ayaw ko sanang
Mamatay
Na yakap-yakap
Ang mga gutay-gutay kong
Pangarap.

No comments:

Post a Comment